Sisimulan na rin ng Davao, Cebu at Parañaque ang pagsasagawa ng family oriented at grassroots sports development program ng Philippine Sports Commission (PSC) na Laro’t-Saya, PLAY ‘N LEARN.

Ito ang kinumpirma ni PSC Research and Planning head Dr. Lauro Domingo Jr. matapos na aprubahan ni PSC Chairman Richie Garcia ang kumpletong “regionalization” ng programa na inendorso ng Palasyo ng Malakanyang para sa kalusugan ng bawat pamilya at pag-iwas ng mga kabataan sa masasamang bisyo.

“Approved na rin ang Parañaque and implementation na lang,” sinabi ni Domingo.

“Cebu had their soft opening last August 15 sa Plaza Sugbo and they will continue the program on weekends also. Davao has set to open the program maybe a week after the launching of Bacolod Laro’t-Saya this coming September 7,” pahayag pa nito.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Mismong sina Garcia at Bacolod City Mayor Monico Puentevella ang mangunguna sa gaganaping programa sa bagong gawang pasyalan sa harap mismo ng Bacolod Municipal Hall.

Ang sports na napagkasunduan nina Garcia at Puentevella ay ang aerobics, arnis, badminton, chess, football, karatedo, taichi, taekwondo, 3x3 basketball at volleyball.

Ang unang tatlong pinagdausan ng PSC-POC LS-PNL ay sa Luneta Park sa Maynila noong Pebrero 2012 tuwing Linggo, Quezon City Memorial Circle noong Hulyo 2014 tuwing Sabado at ang Aguinaldo Shrine sa Kawit City.

Samantala, sa ikalawang sunod na Linggo, umabot sa mahigit na 610 katao ang nagpartisipa sa Burnham Green sa Luneta Park kung saan ay sumabak sa aerobics ang 420 katao, arnis (35), chess (10), badminton (30), football (60), karatedo (25) at volleyball (30).