Malakas ang kasong plunder laban kina dating Department of Agriculture (DA) Secretary Chito Lorenzo at DA Undersecretary Jocelyn “Joc-Joc” Bolante kaugnay ng kontrobersiyal na P728-milyon fertilizer fund scam.
Ito ang tiniyak kahapon ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na nagsabing ipupursige nila ang nasabing kaso na kasalukuyang nakabimbin sa Sandiganbayan.
Ang reaksyon ni Morales ay kasunod ng 60-day deadline na ibinigay sa kanila ng Sandiganbayan upang makapagsumite ng supplemental evidence.
Matatandaang inihayag ni dating Senator Jun Magsaysay, na kabilang sa investigating panel ng Senado na nagsiyasat sa usapin, na ‘sangkatutak Alavarenang ebidensya laban kina Lorenzo at Bolante ngunit pinapapaboran pa umano ng hukuman ang mga akusado sa usapin.
Nangyari ang fertilizer fund scam noong panahon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, nang ginamit umano ang nasabing pondo para sa presidential campaign ng huli noong 2004.