FREETOWN (Reuters) – Ang British nurse na nahawaan ng Ebola ay maaaring nakuha ang nakamamatay na virus matapos makipaglaro sa isang taong gulang na lalaking sanggol na ang ina ay namatay sa isang treatment centre ngunit ang bata ay nasuring negatibo sa sakit, sinabi ng isa niyang medical colleague.

Si William Pooley, 29, ang unang Briton na nahawaan ng virus, ay inilipad pabalik sa Britain mula Sierra Leone nitong weekend at nilulunasan ng experimental drug na ZMapp sa isang ospital sa London sa pagsisikap na maisalba ang kanyang buhay.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary