Michael at Joven

“SA pagdidirek kasi, ang laki ng expectations kung kikita o hindi, eh, lalo na kung maliit ang budget, so adjust-adjust. Ganu’n din sa script kapag maliit ang budget ng producer, adjust din. Unlike sa kanta, all out, eh,” sabi sa amin ni Joven Tan na mas gustong sumulat na lang ng kanta kaysa magdirek.

Maraming nagawang small budget movie si Joven at karamihan sa mga ito ay hindi kumita kaya siguro nagpahinga muna siya at nagko-concentrate sa pagsusulat ng kanta.

Kuwento ni Joven, mahigit 100 na ang komposisyon niya at ang ilan ay kinanta ni Ogie Alcasid na hindi nag-hit, ang carrier single sa album ni Lovi Poe na Kung Puwede Lang, ang carrier song din ng Voice Boys na kinabibilangan ni Tom Rodriguez na nag-hit din at ‘yung nasa album daw ni Angeline na Higher Ground ngayon, Ako Na Lang.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“Hindi naman kasi ako nag-iingay, kapag hiningan nagbibigay ako, hindi naman ako nag-aalok,” sabi niya.

Si Joven ang sumulat ng kanta ni Aiza Seguera na Ano’ng Nangyari Sa Ating Dalawa na nanalo noong nakaraang taon sa Himig Handog P-Pop Love Songs na sampung minuto niyang sinulat.

“‘Yung Ano’ng Nangyari Sa Ating Dalawa, ten minutes ko lang nasulat, sa traffic ko lang ginawa. Kaya lagi akong may dalang tape recorder kasi kinakanta-kanta ko, pati tono. Hindi ako marunong sa anumang musical instruments kaya meron akong arranger,” pagtatapat ni Joven.

Kuwento pa niya, malaki ang kita ng isang kompositor kapag nag-hit ang kanta dahil sa royalty bukod pa kapag naging OST sa pelikula o kinuha sa pelikula ang kuwento ng kanta at maganda raw talaga ang benefits kasi lifetime ang royalty na puwede pang ipasa sa mga anak o pamilya, “Basta member ka ng Filscap, lifetime kang makakakuha ng royalty.”

Ang dream singer niya para sa mga kanta niya ay si Martin Nievera, “sana, soon, sana,” say niya. “Si Regine (Velasquez) din sana.”

Malaking hamon daw kay Joven na kantahin ng isang singer na hindi na sikat ang kanta niya at bigla itong maghi-hit, “Okay ‘yun kasi makakatulong ako, pero challenging nga.”

So, sino ang singers na wala nang career?

“Ha-ha, para ko na ring binanggit na hindi na sila sikat, ikaw talaga,” natawang sagot sa amin.

“Basta, anyone na hindi na active or bago or sino, pumapatol ako sa ganu’n na anyone na pumunta na magsabing igawa ko siya ng kanta, okay na ako ro’n,” sabi pa ni Joven.

Samantala, hindi direktang binanggit sa amin ni Joven na si Piolo Pascual ang napili niyang kumanta ng entry niyang Pare, Mahal Mo Raw Ako sa Himig Handog P-Pop Love Songs na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Setyembre 28 na tinanggihan ng aktor.

Pangbading kasi ang kanta, sabi namin, at ang mabilis na katwiran sa amin ng kompositor, “Ay, hindi naman, para sa lahat, puwedeng sa babae na nagtatanong sa lalaki. Puwede sa lahat, kasi love song siya na first time na hindi novelty.

“Kasi ‘yung iba katawa-tawa like This Guy Is In Love With You, Pare. So this time, solid love song lang.”

Dahil tumanggi nga raw si Piolo ay si Michael Pangilinan na ang napili ni ABS-CBN President Charo Santos-Concio at ng Star Records para mag-interpret ng Pare, Mahal Mo Raw Ako na kaagad namang tinanggap ng bagitong singer.

Ayon sa binatang singer, wala naman daw isyu sa kanya kung para saan at kanino ang kanta dahil depende iyon sa makakarinig at kung paano ito iintindihin.

Pero hindi ba alanganin si Joven na pawang may pangalan na sa music industry ang makakalaban ni Michael?

“Hindi naman ako nag-i-expect na manalo, kung hindi okay lang, walang pressure kasi iba naman si Aiza (Seguerra) kay Michael. Walang kaso, okay na ako na napasama ang Pare, Mahal Mo Raw ako sa P-Pop,” mabilis na sagot ni Joven.