Ihahanda bukas ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) ang isang magarbong pagsalubong sa natatanging pambansang atleta na si Luis Gabriel Moreno na nag-uwi ng unang gintong medalya sa katatapos na 2nd Youth Olympic Games (YOG).

Sinabi ni PSC Chairman Richie Garcia na nararapat lamang na bigyan ng mainit na pagsalubong ang 16-anyos na estudyante ng La Salle Greenhills matapos nitong itala ang kasaysayan bilang unang atleta ng bansa na kumubra ng isang lehitimong gintong medalya sa torneo na tampok ang pinakamagagaling na atleta sa mundo.

“It is just fitting for him to receive a Heroes’ Welcome. He finally ended the country’s long quest of an elusive Olympic gold medal,” pahayag ni Garcia.

“We now have our first ever Olympic gold medal in the country’s sports history which came under the administration of PNoy,” giit pa ni Garcia, habang pinag-aaralan ang posibleng maibigay na insentibo kay Moreno sa pagwawagi sa mixed international event ng archery sa Nanjing, China.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ito ay dahil walang nakasaad sa Republic Act 9064 o An Act granting incentives to Filipino Athletes na insentibong matatanggap ng mga atletang magwawagi sa ilang torneo, katulad ng kada apat na taong YOG, Asian Indoor Games at Paralympic Games.

Ipinaliwanag naman ni PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr. na base sa ipinasang amendment sa RA 9064, na kasalukuyang nasa pagsasabatas pa ng Senado at Mababang Kapulungan, nakasaad na dapat na tumanggap ng P5-milyon ang sinumang magwawagi ng gintong medalya sa YOG.

“But it was not approved yet,” ayon kay Iroy Jr. “Nasa committee level na siya para sa final draft at the lower house.”

Idinagdag ni Garcia na kanyang pakikiusapan ang PSC Board upang mabigyan ng insentibo si Moreno.

“Although it might not be that big, but we will pursue the incentive as stated in the amendment to the RA 9064,” dagdag pa ni Garcia.

Si Moreno ay darating bukas na lulan ng CX 919 Cathay Pacific sa Terminal 1 sa ganap na alas-4:45 ng hapon kasama ang anim na iba pang batang atleta na lumahok sa YOG subalit hindi nakapag-uwi ng medalya.