SORSOGON CITY – Pinabulaanan ni Sorsogon Police Provincial Office director Senior Supt. Bernard Banac na may abiso ang pulisya tungkol sa napaulat na gumagalang aswang sa ilang bayan sa pulisya.

Sa panayam ng may akda kay Banac, sinabi niyang ang text message na kumakalat sa probinsiya, na umabot na rin sa Albay, ay isa lamang biro.

“Walang katotohanan ito, sa tingin ko ay biro lang. Pero nakakalungkot na ginagamit ng mga prankster na ito ang Sorsogon Police na siya umano’y naglabas ng babala kaya naman paniwalang-paniwala ang mga nakakatanggap ng text,” sabi ni Banac.

Sinabi ni Banac na dinadagsa ng mga tanong mula sa mga residente at sa local media ang kanyang telepono, maging ang sa opisina, tungkol sa nasabing text message na kumakalat simula pa noong nakaraang linggo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kumalat na rin ang nasabing mensahe sa ilang munisipalidad sa Albay, gaya ng Daraga, Camalig, hanggang sa malayong Tabaco City. - Niño N. Luces