CAMP BONI SERRANO, Masbate City – Isang 56-anyos na barangay chairman ang napatay ng dalawang hindi nakilalang suspek habang pauwi kasama ang kanyang driver, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Chief Insp. Renato Ramos, hepe ng Masbate Police Provincial Office-Police Community Precinct, ang nasawi na si Vicente Hugo y Cautiver, chairman ng Barangay Arado sa Uson.

Nasugatan naman ang driver niyang si Marlon Bon y Quening, 38, magsasaka, residente ng Bgy. Arado Ayon kay Ramos, lulan ang mga biktima sa itim na STARX motorcycle nang pagbabarilin sila ng dalawang lalaki sa Bgy. Del Rosario sa Uson bandang 12:25 ng umaga noong Lunes.

Agad na namatay si Hugo habang nabaril naman sa kaliwang binti si Bon.

Internasyonal

Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!

Nagpapatuloy ang imbestigasyon at hindi pa tukoy ang motibo at ang pagkakakilanlan ng mga suspek. - Niño N. Luces