BANGKOK (AFP) – Pormal na inendorso ng hari bilang prime minister ang lider ng kudeta sa Thailand noong Lunes, isang hakbang tungo sa pagbubuo ng isang gobyerno na mamamahala sa malaking reporma sa kahariang binabagabag ng politika.

Si Army chief General Prayut Chan-O-Cha, 60, na pinatalsik ang elected government sa mapayapang kudeta noong Mayo 22, ay napili nang walang kalaban bilang premier noong nakaraang linggo ng isang national assembly na binubuo ng halos military figures.

Sa maikli ngunit makulay na seremonya para tanggapin ang royal command, lumuhod si Prayut – suot ang puting official uniform –at yumuko sa harap ng malaking litrato ni King Bhumibol Adulyadej.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente