Boy Abunda

PAGKARAAN ng mahigit dalawang linggong pagkaka-confine ay pinayagan na rin ng kanyang mga doktor si Boy Abunda na makalabas ng ospital.

Kasalukuyang nagpapagaling na ang TV host sa kanyang rest house sa Tagaytay. Pero sa nakuha naming impormasyon, may dalawang linggo pang hindi mapapanood ang King of Talk sa kanyang TV shows (The Buzz, Aquino and Abunda Tonight at The Bottomline).

Pinapayuhan kasi ng mga doktor si Kuya Boy na magpahinga nang husto para mabilis mapanumbalik ang lakas ng kanyang pangangatawan bago siya bumalik sa kanyang showbiz commitments.

National

PAOCC Usec. Cruz, inaming may lumapit sa kaniya para tulungan si Alice Guo

Sa The Buzz nu'ng Linggo, binanggit ni Kris Aquino na hindi pa rin niya makakasama ang premyadong TV host at sikat na talent manager sa mga susunod na gabi sa show nila at pati na sa The Buzz.

"The King of Talk is already home pero nagpapalakas pa. Kanina ka-text ko si Bong Quintana, Bong mentioned na Boy will be spending several nights or maybe a week in their Tagaytay rest house siguro for the fresh air," sey ni Kris.

Dagdag pa rin ng Queen of All Media, dapat ay bigyan muna ng mahabang panahon ni Kuya Boy sa pagpapahinga para tala gang makabalik ang sigla ng TV host.

"Let's not rush him. Kailangan na talagang 100% narestore ang good health niya," sey pa ni Kris.