VIGAN CITY - Nagsimula nang ipatupad ng pamahalaang lungsod ng Vigan ang pag-oobliga sa mga nagkakabit ng hikaw at naglalagay ng tattoo na magpabakuna kontra Hepatitis B bago simulan ang anumang gawain sa kanilang mga kliyente.

Ayon kay City Councilor Kristen Figuerres, co-author ng naturang ordinansa, layunin ng huli na maproteksiyunan ng publiko laban sa mga blood-borne disease, gaya ng tetanus, Hepa B at C maging sa Human Immunodeficiency Infection-Acquired Immunodeficiency Syndrome (HIV-AIDS).

Dapat din munang humingi ng written parental consent sa magulang ang mga kliyenteng wala pang 21 taong gulang.

Sinabi naman ni Dr. Loida Ranches, city health officer, na mananagot ang mga shop owner na nagkabit ng hikaw o nag-tattoo na napatunayang gumamit ng mga instrumentong hindi sterilized. - Wilfredo Berganio

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente