Nais ni Senator Lito Lapid ng imbestigahhan ng Senado ang malaganap na panloloko sa mga text message o text scam na lubhang nakakairita na sa text user.

Ayon kay Lapid, dapat malaman kung may sapat na kakayahan ang pamahalaan para usigin ang mga nanloloko na kadalasan ay magpapadala sa text users ng mga mensahe na kamag-anak sila sa ibang bansa at kailangan ng load o kaya pera o sila ay nanalo sa isang raffle draw at para makuha ang premyo ay kailangan munang nilang magbigay ng pera o load.

Sa kanyang Senate Resolution No. 855 pormal na hiniling ni Lapid sa Senate committee on public information at public order and services na ipaliwanag ng National Telecommunications Commission at ng mga pribadong telecommunication companies (telcos) ang ganitong usapin.

Nagbabala na ang mga telcos sa kanilang mga kliyente na huwag maniniwala sa mga ganitong uri ng panloloko. Pero, ayon kay Lapid, hindi pa tumigil ang panloloko at katunayan isang opsiyal ng pamahalaan ang umamin na siya ay naloko at nakapagpadala pa ng P500 halaga ng load. - Leonel Abasola

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros