Muling magtatangka ang artistic gymnast na si Ava Lorein Verdeflor upang putulin ang pagkauhaw ng bansa sa medalya sa pagsabak sa individual event na uneven bars finals sa ginaganap na 2nd Youth Olympic Games sa Nanjing, China.

Nakatakdang sumabak si Verdeflor ngayong gabi para sa gintong medalyang nakataya sa uneven bars. Matatandaan na tumapos sa ikaanim na puwesto si Verdeflor sa individual event upang makasama sa walong kalahok sa finals na gaganapin sa ganap na alas-6:00 ng gabi.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nagawa naman ni Verdeflor na mapaangat ang kanyang puwesto subalit hindi nagkasya upang makapag-uwi ng medalya sa women’s all-around finals ng artistic gymnastics na ginanap sa Nanjing Olympic Sports Center kamakalawa.

Tumapos na ika-11 mula sa dating ika-12 puwesto ang 5-foot-5 na si Verdeflor mula sa Plano, Texas matapos itala ang mga iskor sa vault (12.900), uneven bars (12.450), balance beam (12.850), floor exercise (11.600) para sa kanyang kabuuang puntos na 49.800.

Malayo naman ito sa kumubra ng ginto na si Russian Federation Seda Tutkhalyan na itinala ang 14.400-14.050-14.000-12.450 para sa kabuuang 54.900 kasunod si Flavia Lopes Saravia ng Brazil, 13.900-12.950-14.050-13.800, sa kabuuang 54.700 at pumangatlo si Elissa Downie ng Great Britain, 14.750-13.350-13.150-12.900 sa kabuuang 54.150.

Samantala, itinala naman ng Fil-American trackster na si Zion Rose Nelson ang personal best na 56.22 segundo sa qualifying heat ng women’s 400m upang umusad sa semifinals. Una nitong itinala ang personal best na 58.14 upang makuwalipika sa torneo.

Sasabak din ngayon si Nelson sa semifinals ng nasabing event.

Kasalukuyang naman na nasa ranking round ang kalahok ng Pilipinas mula sa 32 sasabak sa men’s recurve na si Luis Gabriel Moreno.

Ang kasamahan nito na kabilang din sa 32 kalahok sa women’s recurve na si Bianca Cristina Gotuaco ay nasa ika-16 na puwesto matapos ang unang half sa ipinatama nitong 105 puntos matapos ang 16 na palaso (arrow).