Sampung natatanging Cebuano ang pinarangalan noong Sabado dahil sa kanilang mahusay na mga accomplishment sa iba’t ibang larangan na ipinagkaloob ng Tingog sa Lungsod program (TSL) sa pakikipagtulungan ng Publishers Association of the Philippines Inc. (PAP I) Cebu Chapter; ng Cebu Breakfast Club Inc. (CBC) at ng Cebu Association of Media Practitioners (CAMP). Idinaos ang parangal sa Sacred Heart Center na kasabay ng ika-32 anibersaryo ng TSL at ang beteranong broadcaster na si Engr. Greg S. Senining ang naing host ng parangal. Ang TSL ang itinuturing pinakamatandang radio program sa bansa na nakabase sa Cebu.

Nagtalumpati sa okasyon si PAP I President Louie T. Arriola na nagbigay-diin sa tungkulin ng media sa paglutang ng matatagumpay na mamamayan bilang huwaran para sa iba. Naghandog naman ng awitin si Cebu City Mayor Michael L. Rama matapos magbigay ng paunang pagbati. Bilang PAP I Chairman, ibinigay ko ang aking inspirational message. Si PAP I Vice President for Visayas Andy Manated, na isang prominenteng business executive at beteranong alagad ng media, ang nakipagtulungan para matagumpay na maidaos ang okasyon.

Ang mga ginawaran ng Ten Outstanding Cebuanos Award ay sina: Arch. Maria Sarah J. Abadia, architecture; Enrison T. Benedicto, management; Dr. Paulus Manuel L. Canete, education; Casimero P. Madarang III, government service; Engr. Ramon A Picornell, engineering; Atty. Tomas A. Riveral, CPA , law and poverty alleviation; Fr. Agustin L. Sollano, Jr., arts & humanities; Baltazar S. Tribunalo, Jr., environmentalist; Jose F. Navarro, public service; at Dr. Alfio K. Malinao, Sr., science and technology.

***

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

May nakapagtanong: “Ano’ng mangyayari kung ipagpapatuloy ni PNoy ang cha-cha?” May sumagot: “Katulad na lamang siya ng iba pang pangulo na naglaway para pagpapalawig ng kanilang termino sa mga huling minuto ng kanilang paglalaro, gamit ang kunwaring dahilan na sasagipin ang bansa. Susuwayin niya ang legasiya ng kanyang ina. Mahahati ang bansa dulot ng mga protesta. Masama ang magiging epekto sa mga negosyo.