Nagkasama sa grupo ang nagkalaban sa kampeonato sa 2013 FIBA Asia Men’s Championship na Pilipinas at Iran sa Group E sa ginanap na draw ng 17th Asian Games sa Incheon, Korea sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.

Kabuuang 16 na koponan ang napabilang sa draw para sa lahat ng team events sa Harbor Park Hotel Incheon Grand Ballroom. Unang nag-draw sa football, basketball, volleyball, handball, rugby, sepaktakraw, water polo, kabaddi, badminton at gymnastics.

Gayunman, magsasagawa muna ng qualification games sa Group A na binubuo ng Mongolia, Hong Kong-China, Kuwait at Maldives at maging sa Group B na Saudi Arabia, Kazakhstan, Palestine at India para mabatid ang uusad sa preliminary round kasama ng nangunang walong koponan may apat na taon na ang nakalipas.

Magsasagupa sa preliminary round sa Group C ang China, Chinese Taipei at ang ookupa sa ikalawang puwesto sa Group B habang nasa Group D ang South Korea, Jordan na makakasama ang ookupa sa ikalawang puwesto sa Group A.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Ang Group E na binubuo ng Iran at Pilipinas ay mapapasama sa mangunguna sa Group B habang ang Group F na kinabibilangan ng Japan at Qatar ay makakalaban ang mangunguna sa Group A.

Isasagawa ang basketball sa Setyembre 20 hanggang Oktubre 4.

Matatandaan na maliban sa Gilas-Pilipinas, sumabak din noong 2010 at tinanghal na kampeon ang China, 16pumangalawa ang ngayon ay host na Korea at pumangatlo ang Iran. Kasali din ang Japan, Qatar, Jordan at North Korea.

Tumapos na ikaanim na puwesto ang Pilipinas noong 2010 sa Guangzhou at hangad ngayon na mas mapaganda ang ikalawang puwestong pagtatapos sa 2013 FIBA-Asia sa paglahok ng mas pinalakas na koponan sa Incheon.

May 50 taon ang nakalipas mula nang magwagi ang Pilipinas ng gintong medalya sa Asian Games noong 1962 sa Jakarta.