TANAUAN CITY-- Arestado ang isang 42 anyos na amain na inireklamo ng pangmomolestiya ng kanyang anak-anakan sa Tanauan City, Batangas.

Nasa kostudiya ng pulisya ang suspek na si Anthony Malupa, tubong Mindoro.

Sa report ng pulisya, ilang ulit nang minolestiya ng suspek ang 12-anyos na anak ng kinakasama simula noong Pebrero at ang huli ay nitong Agosto 15 ng madaling araw habang natutulog ang biktima katabi mismo ang ina at kapatid nito.

Kauna-unahang abogadong Mangyan, pumanaw na!