SEN Bong Revilla

Ni CHIT A. RAMOS

‘BUTI na lang at hindi bumuhos ang luha sa throwback na naganap nang dumalaw ang inyong lingkod kasama ang ilang kaibigan sa custodial center sa Crame na pansamantalang “tirahan” nina Sen. Bong Revilla at Sen. Jinggoy Estrada.

Panay ang papak nila ng butong pakwan na aminado silang paboritong past time nila.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Natural lamang na mapagdiskitahan ang pagbabalik-tanaw sa kung ilang dekada nang pagkakakilala ng inyong lingkod sa mga Revilla at kung gaano kalalim ang pagkakakilala namin kay Sen. Bong, magmula noong sampung taong gulang pa lamang siya (at ang inyong lingkod naman ay 11 years old pa lang, joke, ha-ha-ha)!

Si Ate Zena (Azucena Mortel, dakilang mommy ni Sen. Bong ang naging paksa ng usapan. Ang mommy kasi ni Sen. Bong ang humula, noong hindi pa man pumapasok sa pulitika ang kanilang pamilya, na magiging governor at senador si Bong.

Lahat ng sinabi ni Ate Zena ay nagkatotoo. Action superstar pa lang si Sen. Bong, pumalaot na sa pagiging senador ang kanyang dakilang ama at sumunod kara-karaka ang kanyang junior, na Jose Mari Bautista Revilla ang buong pangalan.

Butihing asawa at dakilang ina si Ate Zena na noon pa man ay tinutulungan ni Bong tuwing Biyernes o Linggo sa pamamahagi ng bigas, ulam at kung anu-ano pa sa mahihirap na palaging mahaba ang pila sa kanilang mansion.

Napakabait ni Ate Zena sa kanyang mga kasama sa bahay. Kapag nangungulila ang matapat niyang kasama sa bahay sa mga anak niyang nasa ibang bansa, isinama niya ito sa pagbabakasyon. Inihatid pa namin ito sa 24 oras na paglalakbay sa lugar ng maraming patatas sa California.

Nang pumanaw si Ate Zena, magkakasama kami nina Marlon, Rowena, Bong, Princess, Andeng, Andrea at Diana na umaawit ng paboritong Give Thanks, laman ng CD ni Ate Zena na hiniling niyang iregalo ko sa kanya. She was thanking the Lord for all the blessings given to her.

Sinasabihang kuripot daw si Don Ramon. Pero on many occasions, saksi ang inyong lingkod sa generosity niya, lalo na sa mga taong nagsilbi sa kanila.

May regalo siyang kotse, bahay, lupa sa subdivision, trabaho at marami pang iba para sa kani-kanilang mga anak. Mayroon ding biniyayaan ng travels abroad kasama ang buong pamilya taun-taon. At nagkataong ako po iyon.

Marami ring pangarap si Ramon, Sr. at ang anak niyang si Bong na hindi natupad dahil sa intriga. Tulad ng isang subdivision para sa retired actors at reporters. Nag-ambang din silang mag-ama para sa kooperatiba ng Stuntment Association of the Philippines. Pero naintriga rin kaya hindi nagtuluy-tuloy.

Nang gawin nina Don Ramon at Sen. Bong ang pelikulang Dugong Buhay, nabingit minsan sa malaking disgrasya si Don Ramon. Pabaligtad siyang itinali sa isang balon na may malaking apoy sa ilalim, nang umihip ang malakas na hangin ay tumama ang apoy sa mismong mukha niya. ‘Buti na lang at may nagmatapang na tumulong sa kanya kaya naitulak siya palayo sa apoy. Kaya nakaligtas ang mukha ni Don Ramon sa pagkasunog.

Niregaluhan niya ng kanyang tagapagligtas ng 180 square meters na lupa sa Andrea Subdivision bilang pasasalamat. Gumawa pa siya ng isang sulat, thanking the fight instructor for saving his life. At ito’y inilagay ng fight instructor sa isang kuwadro na nakikita hanggang ngayon na naka-display sa kanilang bahay.

Patuloy ang buhay para kay Sen. Bong kahit may sakit na ang kanyang daddy ngayon. Baon niya ang pamana sa kanya ng yumaong mommy at patuloy na gumagabay ang kanyang daddy sa kanya.

Marami na ang nagbago, pero mananatili pa rin si Sen. Bong sa pagtulong sa mga nangangailangan. Ipagpapatuloy niya pagkakawanggawa at pag-a-appreciate sa mga taong nakatulong nasaan man siya ngayon.

Kung noon ay ang inyong lingkod, nariyan ngayon sina Portia Ilagan, team Lolit Solis, Gorgy Rula, at ang nagmamalasakit na si Francis Simeon na siyang tumutulong kay Sen. Bong para ipagpatuloy ang nasimulan nilang misyon with his mom and dad para sa kapwa.