KIDAPAWAN CITY – Daan-daang bilanggo mula sa North Cotabato District Jail sa lungsod na ito ang inaasahang mapapalaya na sa pagsisimula ng ikalawang bahagi ng Enhanced Justice on Wheels (EJOW) sa lalawigan sa susunod na buwan.

Layunin ng EJOW program ng Korte Suprema na bigyan ng pagkakataong mapalaya ang mga preso na handang maghain ng “guilty” plea sa arraignment at ang mga nanatili sa piitan nang mas matagal pa kaysa sentensiya nila.

Sa ikalawang pagbisita ng EJOW sa North Cotabato sa Setyembre 25, 2014, muling pagkakalooban ang mga bilanggo ng on-the-spot na mabilisan at walang aberyang resolusyon sa kani-kanilang kaso. (Malu Cadelina Manar)
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20