GENERAL SANTOS CITY - Isang pulis ang kritikal ngayon matapos mabagok ang ulo nang mahulog mula sa roller coaster sa isang peryahan sa oval plaza sa siyudad na ito noong Lunes ng gabi.

Sinabi ni Chief Insp. Edgar Yago, hepe ng Police Station 1, na sakay sa roller coaster si PO1 Paul Andrew Aparente kasama ang kanyang maybahay na si Rowena nang biglang mahulog sa lupa ang una.

Kasalukuyang nasa intensive care unit (ICU) sa isang ospital sa siyudad na ito ang biktima bunsod ng pagkakabagok ng kanyang ulo.

Nang inspeksiyunin ng mga imbestigador ang roller coaster, nadiskubre ng mga ito na ilan sa mga bagon ay hindi na gumagana ang lock ng pintuan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang karnabal ay itinayo sa oval plaza bilang bahagi ng Tuna festival na idaraos sa susunod na buwan. - Joseph Jubelag