Kabuuang ika-17 at ika-13 sunod na men’s title at ikaapat na sunod naman sa women’s division ang target ng San Beda College (SBC) sa pagbubukas ngayon ng NCAA Season 90 swimming competition sa Rizal Memorial Swimming Pool sa Manila.

Tatangkain ng Sea Lions, sa ilalim ng kanilang long time coach na si dating national swimmer Gavino Roxas, na ipagpatuloy ang pagdomina sa men’s at women’s division sa swimming event na nakatakdang pamahalaan sa taong ito ng event host Arellano University (AU) sa ilalim ni Management Committee member at Athletic Director ng unibersidad na si Peter Cayco.

Bagamat malayo pa sa kalahati ng bilang ng titulo na napanalunan ng league’s most winningest swimming team na Mapua na mayroong 41, nagsimula na ang tila dynasty ng Sea Lions sa naturang event magmula noong 2002.

Inagaw naman ng Sea Lionesses ang korona sa unang nagkampeon na St. Benilde magmula nang gawing demo sport ang women’s swimming noong 2009 at 2010.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Samantala, sa juniors division, target naman ng La Salle Greenhills ang kanilang ika-11 sunod at ika-17 pangkalahatang titulo sa taong ito.

.

Ang Greenies ang ikatlong winngest swimming team sa juniors division kasunod ng San Beda at Mapua na mayroong 22 at 21, ayon sa pagkakasunod