BAGHDAD (Reuters)— Nagbabala ang militanteng grupong Islamic State na kumubkob sa malaking bahagi ng Iraq at nagbunsod ng unang American air strikes simula nang magtapos ang pananakop noong 2011, sa United States na aatakehin nito ang mga Amerikano “in any place” kapag tinamaan ng mga raid ang kanyang mga militante.

Ang video, nagpapakita ng litrato ng isang Amerikano na pinugutan noong U.S. occupation sa Iraq at mga biktima ng snipers, ay nagtatampok ng mga pahayag sa English na “we will drown all of you in blood”.

Ang US airstrikes sa Kurdish forces sa hilaga ng Iraq ay nakatulong sa mga mandirigma na mabawi ang ilan sa mga teritoryo na nakuha ng mga militanteng Islamic State, na nagbantang magmamartsa patungong Baghdad.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente