ANTIPOLO CITY – Isang lalaki ang natagpuang duguan at wala nang buhay sa Sitio Maagay Uno sa Barangay Inarawan, Antipolo City, kahapon.

Ayon sa report ng Antipolo City Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Bernabe Balba, may mga tama ng bala sa dibdib si Noli Sayco, nasa hustong gulang, ng Sitio Maagay Uno, Bgy. Inarawan, Antipolo City.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Bienvenido Panilinan, naglalakad si Jessica Batiansila, ng Bgy. Inarawan nang mapansin ang isang lalaking duguan at nakadapa sa tabi ng kalsada, at agad na ini-report ito sa pulisya.

May hinala ang pulisya na posibleng hinoldap at pinatay ang biktima ng hindi pa nakikilalang suspek. - Clemen Bautista

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University