Coco Martin at Kim Chiu

MULING ginawaran ng parangal ang lead stars ng top-rating teleseryeng Ikaw Lamang na sina Coco Martin at Kim Chiu.

Matapos tanghaling Grand Slam Best Actor at Actress and Celebrity of the Year ng Yahoo OMG Celebrity Awards ay muling binigyan ng parangal sina Coco at Kim ng 4th Eduk Circle Awards, isang prestihiyosong award-giving body na binubuo ng mga guro, professors at mag-aaral mula sa iba’t ibang unibersidad sa buong Pilipinas.

Tinanghal na Best Television Drama Actor of the Year si Coco at tinanghal naman si Kim bilang Most Influential Actress in a Film. Coco won for Juan dela Cruz while si Kim for Bride For Rent.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Bukod dito ay nanalo rin sa online poll ng 2nd Philippine Edition’s Icons of the Year bilang Male Showbiz Icon of the Year si Coco para sa kanyang mahusay na pagganap bilang Samuel sa Ikaw Lamang.

Katunayan ang sunud-sunod na parangal na inaani nina Coco, Kim at ng Ikaw Lamang ng kanilang kahusayan bilang aktor at aktres sa tinaguriang master-serye sa Philippine television.

Napanatili pa rin ng Ikaw Lamang ang posisyon bilang number one show sa Philippine television.