Jason-Vickie-copy-550x430

ISA si Jason Abalos sa talagang excited at walang palyang sumusubaybay sa mga nangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya.

Siyempre, para sa kanya ay ang kasintahan niyang si Vickie Rushton ang karapat-dapat na tatanghaling Big Winner ng Pinoy Big Brother All In Edition.

Sa Sunday na malalaman kung sino ang Big Winner, kaya kabadung-kabado na si Jason Abalos.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“Gusto ko sana, at pati na rin ang buong family niya, siya ang mag-uwi ng karangalan. Gusto ko kasi na maging proud siya sa sarili niya. Ang haba ng naging laban niya at ang haba-haba ng mga pinagdaanan niya bago niya narating ‘yan,” sey ni Jason nang makausap namin.

Dagdag pa ng aktor, siya na ang magiging pinakamasayang tao sa mundo kapag nangyari ‘yon. Gustung-gusto kasi niya na paglabas ng bahay ni Vickie ay masasabi nitong may napapatunayan na ito sa sarili.

Sey pa ni Jason, anuman ang gustuhin ni Vickie pagkalabas nito sa PBB house ay hindi siya tututol. Hindi niya hahadlangan ang anumang nanaisin ng kasintahan.

“Hindi ko nga siya hinadlangan no’ng pumasok siya sa Bahay ni Kuya, ngayon pa kaya, di ba? Naniniwala ako na lahat tayo may kanya-kanyang pangarap, siya, eh, ‘yun ang gusto niyang gawin. Kaya hindi natin dapat siyang pigilan,” sey pa ni Jason.

Pahayag pa ng aktor, nakikita niya kay Vickie ang babaeng gusto niyang pakakasalan at makakasama habang buhay.