Ipinasa ng House Committee on Revision of Laws, ang panukalang batas na nagpaparusa sa tinatawag na influence peddling sa lahat ng transaksiyong pampubliko.

Ayon kay Pangasinan Rep. Marylyn Primicias-Agabas, chairman ng komite, malaki ang maitutulong ng HB 4821 (Anti-Influence Peddling Act) sa pagsugpo sa kurapsiyon sa gobyerno.

Ang HB 4821 ang ipinalit sa orihinal na HB 1585 na inakda ni Sorsogon Rep. Evelina G. Escudero.

National

Meralco, tapyas-singil sa kuryente ngayong Mayo

Papatawan ng anim na taong pagkakabilanggo at multang P100,000, o pareho, at diskuwalipikasyon sa paghawak ng pambayang tungkulin ang mapatutunayang lumabag dito.