Nanawagan si Senador Antonio Trillanes IV na ilipat sa isang detention facility ng Armed Forces of the Philippines (AFP) siretired Army Major General Jovito Palparan na kasalukuyang nakapiit sa National Bureau of Investigation (NBI).

Si Palparan, binansagang “bergudo ng mga militante,” ay naharap sa iba’t ibang kaso kriminal kabilang na ang misteryosong pagkawala ng dalawang estudyante ng University of the Philippines (UP).

Nadakip si Palparan sa isang bahay sa Sta. Mesa, Manila nitong nakaraang linggo matapos ang halos tatlong taon na pagtatago sa batas.

Dinalaw ni Trillanes, tagapangulo ng Senate Committee on National Defense and Security, sa piitan ni Palparan upang tingnan ang kalagayan ng heneral.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Napag-alaman natin na may mga tangka sa buhay ni General Palparan. At upang maprotektahan ang kanyang buhay, marapat lamang na siya ayilipat sa kustodiya ng AFP. Mas nararapat din ito dahil ang mga ‘diumano’y kasalanang nagawa niya ay konektado sa kanyang serbisyo noong siya ay sundalo pa,” ayon kay Trillanes.

Aniya, kung hindi masisiguro ng AFP ang kaligtasan ni Palparan,maaaring bumaba ang morale ng maraming sundalo sa pag-iisip na maaarisilang mahabla paglabas nila sa serbisyo dahil sa akala nila’ypagtupad sa kanilang tungkulin.

Nilinaw ni Trillanes na hindi nangangahulugan na kinikilingan niya si Palparan kundi tinitiyak lamang niya ang seguridad nito. (Leonel Abasola)