FERGUSON, Mo. (AP) — Inatasan ni Missouri Gov. Jay Nixon ang National Guard na rumesponde sa Ferguson noong Lunes ng umaga, ilang oaras matapos gumamit ang mga pulis ng tear gas para mapaalis ang mga nagpoprotesta sa lansangan kasunod ng isang linggong demonstrasyon sa pagbaril at pagkakapatay ng isang pulis sa isang binatilyo sa Missouri.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Nixon na ang National Guard ay tutulong “in restoring peace and order” sa St. Louis suburb na halos gab-gabi ay pinuputakti ng mga galit at magugulong madla.

“These violent acts are a disservice to the family of Michael Brown and his memory and to the people of this community who yearn for justice to be served and to feel safe in their own homes,” ani Nixon.

Samantala, lumabas sa preliminary private autopsy na si Michael Brown, ang black teen na napatay ng isang police officer sa suburban St. Louis sa lungsod ng Ferguson, ay anim na beses na binaril, iniulat ng New York Times noong Linggo ng gabio.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente