LONDON (AP) – Inamin ng beteranong action star na si Jackie Chan na ang paggawa ng stunts ay “not like it used to be” dahil hindi na madaling makabawi ang katawan niya mula sa malalaking action scenes.
“The next morning, you realize wow, it hurts!” sabi ni Jackie, na nagdiwang ng ika-60 kaarawan noong unang bahagi ng taong ito.
“Now my body tells me to slow down 30 percent and probably in another two years, 20 more, then 50 percent. So slowly, slowly, then I will tell the whole world, stop doing action.”
Bagamat aminadong panahon na para maghinay-hinay siya, hindi naman ito nakapigil kay Jackie sa paggawa ng inilarawan niya bilang kanyang huling “big” action movie - ang Chinese Zodiac. May acrobatic display si Jackie sa pelikula na nagiging human torpedo siya, nakipaglaban habang nasa nag-i-skydiving, kumpleto sa kanyang trademark na hand-to-hand combat at physical comedy.
“That’s not special effects, that’s not Iron Man, not Spider-Man, that’s the real Jackie Chan,” aniya. Sa kanyang susunod na pelikulang Dragon Blade, kasama sina John Cusack at Adrien Brody, pinalitan na ni Jackie ang kanyang pamatay na mga somersault ng old-fashioned swordplay.
At sa mga susunod niyang proyekto, sinabi ni Jackie na unti-unti na siyang maghihinay-hinay.
“Slowly, slowly I will let more people do it for me. Myself, I’ll only do the tight shot, close shot, otherwise the big wide shot, I’ll let someone else do it,” sabi pa ni Jackie.