TARLAC CITY – Isang magsasaka na dating barangay kagawad ang nasawi habang sugatan naman ang asawa niya sa Tarlac-Sta. Rosa Road sa Barangay San Manuel, Tarlac City, kahapon ng umaga.

Ang namatay ay kinilala ni SPO2 Rudy Abella Jr. na si Manolito Bondoc, 58, habang sugatan naman ang asawa niyang si Perlita Bondoc, 52, kapwa residente ng Purok 1, Bgy. Laung Cupang, La Paz, Tarlac.

Sakay ang mag-asawa sa kanilang motorsiklo (XB-6230) nang i-overtake sila ng riding-in-tandem at pagbabarilin ng .45 caliber pistol sa ulo si Manolito, na agad niyang ikinamatay habang nahagip naman ng bala ang kanyang asawa.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod