MAPAPANOOD na ang pinakabagong station ID ng TV5 na nagpapakita kung bakit binansagan itong “happy network”.

May temang “Happy Ka Dito,” pinangungunahan ang video nina Derek Ramsay, Jasmine Curtis-Smith, Ogie Alcasid, Ritz Azul, Alice Dixson, at ng lumalaking pool ng Kapatid talents, hosts, newscasters, at sportsmen, pati mga empleyado, fans, at audience na lahat ay game na game na sumasayaw sa sikat na kantang Happy ni Pharrel Williams, mula sa Despicable Me 2 movie soundtrack.

 

Nakatutuwang makita sa video ang wacky side ng Kapatid talents, kabilang sina Nora Aunor, Luchi Cruz-Valdes, Paolo Bediones, at ang Tulfo Brothers, at maging ang basketball royalties na sina Coach Chot Reyes at ang Gilas Pilipinas Team na humahataw at enjoy na enjoy.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

 

Nakisaya rin sa Station ID ang industry icons na sina Vic Sotto, Joey de Leon, Richard Gomez, at Edu Manzano; young stars Vin Abrenica, Alwyn Uytingco, Mart Escudero, Eula Caballero, Mark Neumann, Valeen Montenegro, Edgar Allan Guzman, at ang Artista Academy scholars; heartthrobs Wendell Ramos at ang half-Pinoy group na Juan Direction; ang Trenderas singing trio na sina Isabelle de Leon, Lara Maigue at Katrina “Suklay Diva” Velarde;  Raymond Gutierrez, Gelli de Belen, Tintin Bersola, Grace Lee, Tuesday Vargas at Jojo Alejar; News5’s Martin Andanar, Cheryl Cosim, Lourd de Veyra at “bayaw” Jun Sabayton; sportscaster Erika Padilla; at ang mga komedyanteng sina Empoy at Bayani Agbayani.

 

Puno ng saya, sayawan, at kulitan, masasalamin sa Station ID ang happy atmosphere na naeenjoy ng talents at staff sa bakuran ng Kapatid Network. Itong happiness na ito ang isini-share nila sa viewers sa pamamagitan ng Station ID na ito at ng bawat programang inihahain ng TV5.

 

Feel-good vibes ang hatid ng bagong Station ID ng TV5, isang pagpapatunay na bawat Kapatid program ay made with love, hard work, and happiness.