DAEJEON, South Korea (AP) – Hinimok ni Pope Francis ang kabataang Katoliko na itakwil ang pagkahumaling sa mga materyal na bagay na nakaaapekto sa malaking bahagi ng lipunang Asian sa kasalukuyan at tumanggi sa “inhuman” na sistemang pang-ekonomiya na nagpapahirap sa mga maralita.

Mainit na tinanggap kahapon ang Papa ng libu-libong kabataang Asian nang idaos niya ang unang pampublikong misa sa South Korea, na ang maliit pero sumisiglang komunidad ng mga Katoliko ay nagsisilbi ngayong huwaran ng mundo.

Sa kanyang homily, hinikayat ni Pope Francis ang kabataan na magpasimula ng pagbabago: “May they combat the allure of a materialism that stifles authentic spiritual and cultural values and the spirit of unbridled competition which generates selfishness and strife.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente