Dapat makamit ang hustisya sa Maguindanao massacre sa kabila ng pumutok na isyu ng suhulan sa mga abogado, prosecutors at mga pamilya ng biktima.

Sinabi ni Atty. Harry Roque, abogado ng mga biktima ng Maguindanao massacre, na ang pagkadawit sa kanyang pangalan sa diumano’y suhulan ay taktika lamang ng mga taong nais guluhin ang kaso para mabinbin at maantala ang matagal ang imbestigasyon.

Binigyang-diin niya na mayroong mga tangka na mangdiskaril at paputukin ang hidwaan sa prosecution para maantala ang kaso. - Jun Fabon

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20