Hinamon kahapon ng Coalition of Filipino Consumers si Philippine National Police (PNP) Director General Alan Purisima na ilabas ang kanyang Statement Of Assets, Liabilities And Net Worth (SALN) at sumailalim sa lifestyle check.

Ipinaliwanag ni Perfecto Tagalog, secretary general ng grupo, na layon nilang maberipika kung pag-aari at kung idinedeklara ng PNP chief ang mga mamahaling condominium units at bahay na natuklasan nilang iniuugnay sa pangalan nito.

Kabilang aniya sa mga kwestyunableng ari-arian ni Purisima ang units nito sa Bellagio sa Bonifacio Global City at The Columns sa Makati City; penthouse sa Gramercy Residences Makati, at dalawang rest house sa Nueva Ecija.

Itinanggi ng PNP ang alegasyong hindi nagsusumite ng SALN si Purisima.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget