KABUL, Afghanistan (AP) — Isang American major general ang nabaril at napatay noong Martes sa isa sa pinakamadugong insider attacks sa mahabang Afghanistan war nang isang ‘Afghan soldier’ ang namaril sa mga kaalyadong tropa, na ikinasugat din ng 15 kabilang ang isang German general at dalawang Afghan generals.

Kinilala ng Army ang namatay na American officer na si Maj. Gen. Harold J. Greene, isang 34-year veteran. Engineer by training, si Greene ay nasa kanyang unang deployment sa war zone at inihahanda ang Afghan forces sa pag-alis ang U.S.-coalition troops sa katapusan ng taon. Siya ay deputy commanding general ng Combined Security Transition Command-Afghanistan.

Si Greene ang highest-ranked American officer na nasawi sa labanan sa post-9/11 war ng bansa sa Iraq at Afghanistan at highest-ranked officer na napatay simula noong 1970 sa Vietnam War.

Naganap ang atake sa Marshal Fahim National Defense University.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na ang Afghan gunman na pumatay sa American general ay nasa loob ng gusali at walang habas na namaril mula sa isang bintana sa mga taong nagtitipon sa labas. Walang indikasyon na tinarget si Greene.

Kabilang sa mga nasugatan ang isang German brigadier general at dalawang Afghan generals, sinabi ng mga opisyal.

Iilang U.S. generals lamang ang nasa Afghanistan. Ang highest ranking sa kanila ay si Marine Gen. Joseph Dunford, ang top commander ng U.S. at coalition forces.

Sinabi ni Gen. Mohammad Zahir Azimi, tagapagsalita ng Afghanistan’s Defense Ministry, na isang “terrorist in an army uniform” ang namaril sa local at international troops. Sinabi ni Azimi at ng U.S. officials na napatay na ang shooter.

Pinuri ni Taliban spokesman Zabihullah Mujahid sa isang pahayag ang “Afghan soldier” na nagsagawa ng pag-atake. Hindi niyang sinabing ang Taliban ang nagsagawa ng pag-atake, ngunit hinihikayat ng Taliban ang mga ganitong aksiyon.