LOUHAJONG, Bangladesh (AP) — Nahihirapan ang rescuers noong Martes na mahanap ang lumubog na ferry na overloaded at may sakay na daan-daang pasahero nang ito ay tumaob sa isang ilog sa central Bangladesh, na ikinamatay ng dalawang kato at posibleng marami pang iba.

Matapos lumubog ang M.V. Pinak noong Lunes ng hapon, may 44 pasahero ang nakalangoy patungo sa pampang, ngunit hindi pa rin malinaw kung ilan ang nawawala. Sinabi ng local media na mayroong halos 250 pasahero, ngunit hindi pa makumpirma ang bilang na ito.

“The ferry went out of control due to winds and currents, tilting from one side to the other,” sabi ng isang nakaligtas na si Azizul Haque, 30. “Then the captain jumped out because he probably understood it was sinking. The river was rough, and there were many passengers on board.”

Ang ferry ay lumubog sa Padma River sa Munshiganj district, may 44 kilometro mula sa timog ng Dhaka, ang kabisera ng Bangladesh.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists