JERUSALEM (AP) — Tinanggap ng Israel at Hamas noong Lunes ang ceasefire na ipinanukala ng Egypt upang matigil na ang isang buwang giyera na ikinamatay ng halos 2,000 katao.

Matapos ang ilang linggong behind-the-scenes diplomacy, at naunang nabigong truce makalipas lamang ang ilang oras noong Biyernes, kapwa inanunsiyo ng Israel at Hamas noong Lunes ng gabi na tinanggap nila ang panukalang preliminary 72-hour ceasefire, simula 8 a.m. (0500 GMT) ng Martes. Kasunod nito ay nakatakdang maging punong-abala ang Egypt ng indirect talks upang mailatag ang long-term truce sa susunod na tatlong araw.

Sumiklab ang digmaan noong Hulyo 8 nang maglunsad ang Israel ng air offensive bilang tugon sa ilang linggong matinding rocket fire mula sa Hamascontrolled Gaza.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina