Patuloy ang recue operations ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa may 118 pasahero ng stranded na MV Super Shuttle Roro III sa karagatang bahagi ng Balicasag Island sa Tagbilaran City.
Ayon kay PCG Commander Rodolfo Villajuan, nanggaling sa Cagayan de Oro City at patungong Cebu City ang barko nang mawalan ng enerhiya ang makina at tumirik sa laot.
Dahil dito, nagpalutang-lutang na lang ang barko kaya umalma ang mga pasahero dahil sa kawalan ng pagkain na ibinibigay ang mga crew simula pa kahapon ng umaga.
Bagamat ginutom, ligtas naman ang lahat ng pasahero.
Umalis ang barko sa daungan ng Cagayan de Oro City dakong 8:00 noong Linggo ng gabi at inaasahan sanang dadating sa Cebu Port sa umaga.