Inaasahang magkakasukatan ng lakas ang lahat ng kasali sa isasagawang Double Dragonboat Race: 3rd Drilon Cup bunga ng pagsasama-sama ng miyembro ng Philippine Canoe-Kayak Federation at Philippine Dragonboat Federation sa karerang pinakatampok sa isasagawang Iloilo Charter Day sa Iloilo River.

Bitbit ang temang “Unity, Legacy and Advocacy”, asam ng kompetisyon na itinataguyod ni Senate President Franklin M. Drilon na Dragon Boat Canoe and Kayak Competitions na maitaguyod hindi lamang ang pagbuhay sa Iloilo River sa mismong siyudad ng Iloilo kundi ang pagmamahal sa kalikasan at pag-engganyo sa sports tourism.

Nakatakdang ilunsad mismo ni Senate President Franklin Drilon kasama sina Iloilo City Mayor Jed Mabilog, Injap Sia na presidente ng Double Dragon company at ni PSC Chairman Richie Garcia ang torneo.

Una nang naimbitahan si Chinese Ambassador to the Philippines H.E. Ma Keqing na siya din nagpasimula ng karera noong nakaraang taon na nilahukan ng 10 koponan at inorganisa ng Office of Senate President Drilon sa tulong din ng Philippine Sports Commission at Iloilo City Sports Council.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

Nais ni Drilon na manatili ang event hindi lamang bilang isang sports event kundi pati na isang environmental activity na nakatuon sa pagpapalaganap ng kaalaman sa buong komunidad sa kahalagahan ng Iloilo River.

Isinagawa ang 2nd Senator Franklin Drilon Cup dragon boat event noong Agsto 24, 2013 kung saan kabuuang 10 koponan mula Manila, Boracay, at Iloilo ang lumahok sa 200 meter races na may kategoryang Men’s Open, Mixed, at Novice categories.

Ang Novice category ay nakalaan para sa bagong buo na koponan tulad ng Ilonggo team na St. Therese College, John B. Lacson Maritime University, at Iloilo Transition na siyang tinanghal na kampeon sa kategorya.

Ang Boracay All-Stars ang tinanghal na kampeon sa Mixed category, habang ang Boracay Sea Dragons ang ikalawa at ikatlo ang PDRT.

Upang ipakita ang pagkakaisa sa dragon boat ay naghalo-halo naman ang mga manlalaro para sa Men’s Open top three na pinangunahan ng Boracay All-Stars/Sea Dragons kasunod ang PDRT/Spitfire at ang La Salle/UP.