Kayang magdomina ni National University Cameroonian center Aklfred Aroga sa laro kung gugustuhin nito, ngunit iba ang nasa isip nito para tulungan ang Bulldogs na makamit ang tagumpay sa UAAP men’s basketball tournament.

“As far as I’m concerned, I can’t talk like an individual player because everything that matters is the team,” ani Aroga, “We’re just playing as a team and we don’t care about our stats. We just care about helping each other being better.”

At ipinakita ng UAAP Press Corps-Accel Quantum Plus/316 Player of the Week na si Aroga kung gaano kahalaga ang kanyang papel na ginagampanan sa kampanya ng kanilang koponan.

Noong nakaraang Linggo, naramdaman ang presensiya ni Aroga kapwa sa opensa at depensa matapos niyang pamunuan ang Bulldogs tungo sa 57-55 na panalo kontra sa season host University of the East para maangkin ang solong liderato sa pag-angat sa barahang 5-1, panalo-talo.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Ibinuslo ng 6-foot-7 na si Aroga ang huling basket para sa Bulldogs, mahigit dalawang minuto pa ang nalalabi sa oras bago nito dinipensahan si UE playmaker Roi Smang para sa tangka sana nitong game tying lay-up.

“He gives us that inside presence, especially in rebounding,” saad ni NU coach Eric Altamirano tungkol kay Aroga na nagtala sa nasabing laro ng 18 puntos at 16 na rebounds bukod pa sa dalawang assists at isang block. “He gave us 15 rebounds. More than the points, his rebounds are very important.”

Nauna rito, nagtala din si Aroga ng 10 rebounds, 6 na puntos, 3 assists at 6 na blocks nang kanilang gapiin ang Adamson, 62-25 noong Miyerkules.

“I just did my best in trying to execute what coach wanted me to do,”ayon pa kay Aroga na tinalo sina Kiefer Ravena ng Ateneo, at Mark Belo ng Far Eastern University para sa lingguhang citation na suportado ng Bactigel hand sanitizer, Doctor J Mighty Alcohol at Mighty Mom Anti-bacteria.