JAEN, Nueva Ecija - Naging mabilis ang pagkilos ni Jaen Mayor Santiago “Santy” Austria upang mapigilan ang pagdami ng nare-recruit sa kanyang bayan matapos pangakuan umano na mapapabilang sa “Pantawid Gutom Program” na sinasabing pinopondohan ng yaman ng pamilya Marcos na nasa Hong Kong o China.

Nabatid ng Balita mula kay Austria na nakatanggap ng reklamo at impormasyon ang alkalde hinggil sa umiikot umano sa Jaen na pastor at ministro ng magkaibang relihiyon para mamahagi ng application form mula sa isang bangko para sa pag-a-apply ng cash card upang maging benepisyaryo ng nasabing programa.

Aniya, ibinebenta ang application form ng P150 bago hihingan ng litrato at sedula ang biktima. Light A. Nolasco

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho