Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Arena)

2 p.m. – Air Force vs National U

4 p.m. – PLDT Home Telpad vs Ateneo

Muling dispatsahin ang Ateneo de Manila University (ADMU) ang hangad ng baguhang PLDT Home Telpad sa kanilang pagtutuos ngayon sa pagsisimula ng Shakey’s VLeague Season 11 Open Conference quarterfinals sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

National

Romina, napanatili ang lakas habang kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Kasalo ang Philippine Army (PA) at defending champion Cagayan Valley sa liderato na hawak ang barahang 6-1 (panalo-talo), sisikaping kumalas ng Turbo Boosters mula sa nasabing 3-way tie sa pamamagitan ng pagduplika sa kanilang naitalang 25-21, 25-13, 26-24 panalo kontra sa Lady Eagles nang una silang maglaban noong Hulyo 7.

Kabaligtaran ng PLDT na galing sa dalawang dikit na panalo sa pagtatapos ng eliminations kontra sa National University (NU) at Philippine Air Force (PAF), sumadsad ang Ateneo sa kanilang huling dalawang laro sa kamay ng Army at Cagayan kung kaya’t umentra sila sa playoff round bilang No. 6 team na hawak ang barahang 2-5 (win-loss).

Kaya naman tiyak na ibubuhos ngayon ng Lady Eagles ang kanilang lakas upang makabalik sa winning track sa pagharap nilang muli ng Turbo Boosters sa ganap na alas-4:00 ng hapon.

Una rito, tatangkain din ng isa pang military squad na Philippine Air Force na makaulit sa katunggaling National University sa kanilang muling paghaharap sa ganap na alas-2:00 ng hapon.

Subalit tiyak na hindi sila basta na lamang pahihintulutan ng Lady Bulldogs na buhay pa rin ang pagasa na makakopo ng isa sa Final Four slots.