LEGAZPI CITY – Ang Bicol V) ang may pinakamabilis na lumalagong ekonomiya sa buong bansa ngayon. Bunga ng masiglang tourism industry nito, nagtala ang Bicol ng 9.4 porsiyentong pagsulong noong 2013, ayon sa bagong ulat ng National Statistics Coordinating Board (NSCB).

Ayon pa sa bagong NSCB report, ang paglago ng ekonomiya ng Bicol noong 2013 ang pinakamataas sa 17 rehiyon sa bansa, higit na mataas sa 9.1% na itinala ng Metro Manila.

Kinumpirma ni Albay Gov. Joey Salceda, Bicol Regional Development Council (RDC) chairman, na bumangon na nga ang Bicol mula sa maraming taon ng pagkakalugmok dulot ng hagupit ng mga mapinsalang bagyo.

Ayon kay Salceda, turismo ang pangunahing nagtutulak sa mabilis na pagsulong ng Bicol economy.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pinangunahan ito ng Albay na nagtala ng nakalululang 66% na paglago ng turismo nito. Binalikat din ng Albay ang paglago ng turismo ng Almasor (Albay - Masbate-Sorsogon) Tourism Alliance na itinatag ni Salceda at nagtala ng 42% noong 2013.

Sa pangkalahatan, ipinaliwanag ni Salceda na ang pagsulong ng Bicol economy ay bunga ng malaking produksiyon ng kuryente mula sa Tiwi at Bacman geothermal plants, mataas na investment sa mga imprastruktura at pinasiglang retail trade na nasuportahan pa ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Bilang reaksiyon sa NSCB report, sinabi na Salceda na maituturing ngang “phenomenal” ang paglago ng Bicol na dati ay laging pangalawa o pangatlo sa pinakamahihirap na rehiyon ng bansa dahil halos taun-taon itong sinasalanta ng malalakas na bagyo.