PRESIDENT QUIRINO, Sultan Kudarat - Bagamat hindi pa tiyak ng mga doktor na ligtas na sa mga kumplikasyon mula sa tinamong bala ang isang walong buwang sanggol na babae, tiyak namang humihimas na ng rehas na bakal at nakasuhan na ang ama ng sanggol na bumaril rito.

Ayon sa mga kaanak, nangyari ang insidente bandang 11:25 ng gabi noong Hulyo 31 nang lasing na umuwi sa bahay si Joeme Bautista y Reginaldo, alyas Babang, 25, may asawa, manggagawa sa bukid, at nakikitira sa pamilya ng kanyang asawa sa Barangay Romualdez, President Quirino, Sultan Kudarat.

Sinabi ng mga kaanak na hindi napagbigyan ng asawa ang hiling ng suspek na magtalik sila kaya uminit ang ulo ng huli at nabaril ang sanggol gamit ang .38 caliber revolver.

Kaugnay nito, humihingi ng tulong si Bgy. Romualdez Chairman Roberto Sarmiento sa mga nais tumulong sa mga gastusin ng sanggol sa isang pribadong ospital sa Tacurong City. - Leo P. Diaz

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget