BALITA
Petisyon ni Revilla vs plunder, ibinasura
Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ni dating Senador Bong Revilla na kumukuwestiyon sa findings of probable cause para siya ay litisin sa P224-milyon kaso ng plunder at graft.Ang kaso ay may kinalaman pa rin sa umano’y anomalya sa paggamit ng pork barrel allocation ni...
Robredo, respetado pero 'uncomfortable' nang katrabaho
Inirerespeto pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo ngunit malabo nang bigyan uli ang huli ng puwesto sa administrasyon.Inamin ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na hindi na kumportable ang Presidente na makipagtrabaho kay Robredo dahil sa...
Detox package para sa mga adik
DAVAO CITY – Sinimulan ng Philippine Health Insurance Corp. (PHIC) kahapon ang pag-aalok ng pinakabagong package na tinaguriang “Medical Detoxification Package” na nakalaan para sa mga pasyenteng nais tumigil sa paggamit ng bawal na gamot.Sa presentasyon kahapon sa...
25 opisyal ng PCG sinuspinde
Pinatawan kahapon ng Office of the Ombudsman ng anim na buwang preventive suspension ang 25 matataas na opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa pagkakasangkot sa umano’y maanomalyang paggamit ng pondong aabot sa P67.5 milyon noong 2015.Kabilang sa sinuspinde sina...
Digong: Peace, please
Sa gitna ng iba’t ibang isyu na kinakaharap ng bansa, umapela ng pagkakaisa at kapayapaan si Pangulong Rodrigo R. Duterte ngayong Pasko. Isinabay niya rito ang pananawagan sa mga Pilipino na suportahan ang giyera ng gobyerno laban sa ilegal na droga at kurapsiyon.Inihayag...
Delikado na ang buhay ko—De Lima
Inihayag ni Senator Leila de Lima na nanganganib na ang kanyang buhay matapos na mabigong iugnay siya sa bentahan ng droga sa huling pagdinig sa Senado nitong Lunes.Ayon kay De Lima, sanay na siya sa panganib pero higit siyang kinabahan sa babala na natanggap niya kagabi...
MRT escalator biglang huminto, 10 sugatan
Nasaktan ang 10 pasahero ng Metro Rail Transit (MRT)-3 sa biglaang pagkasira ng escalator sa Taft Avenue Station sa Pasay City, kahapon ng umaga. Ayon kay MRT-3 General Manager Deo Manalo, dakong 9:45 ng umaga nang biglang huminto ang noon ay punumpunong escalator na...
BSP: Mataas na inflation inasahan na
Sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kahapon na ang inflation nitong Nobyembre ay pasok pa rin sa inasahang trend kahit na lumagpas ito sa kanilang forecast.Ipinaliwanag ng Philippine Statistics Authority na ang mas mataas na presyo ng mga pagkain, utilities at...
Pilipinas, nanguna sa India math contest
Nasungkit ng mga estudyanteng Pilipino ang overall champion sa international math contest sa India para ipinid ang isang taon ng nakamamanghang performance. Napanalunan ng Pinoy math wizards ang 23 gold, 6 silver at 3 bronze medals sa 7th International Young...
Ceasefire muna bago palayain ang rebels
Dapat munang lumagda ng mga komunistang rebelde sa bilateral ceasefire agreement, bago palalayain ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nakakulong nilang kasamahan sa pakikibaka.Ito ang utos ng Pangulo kina government (GRP) chief peace negotiator Silvestre ‘Bebot’ Bello...