May masuwerteng netizen na nakapagkalkal ng isang lumang video clip ng batikang aktres na si Susan Africa habang umuubo sa isang eksena sa isang teleseryeng kinabilangan niya.
Matatandaang kamakailan lamang, sa isang panayam kay Susan, sinabi niyang "Mandela effect" lamang ng ilang mga netizen ang laging nasasabi tungkol sa kaniya na laging umuubo ang mga karakter na ginagampanan niya sa mga proyektong kinabibilangan, lalo na sa mga teleserye.
Saad ni Susan, "Mandela effect" lamang ito at bibigyan niya ng ₱5,000 kung sinuman ang makakahanap ng video clip na umuubo siya sa isang eksena.
Ayon sa mga eksperto, ang Mandela effect ay penomena kung saan ang isang malaking grupo ng mga tao ay may pare-pareho ngunit maling alaala tungkol sa isang pangyayari o detalye. Ito ay kilala rin bilang collective false memory.
Galing ito sa pangalan ni dating South African President Nelson Mandela. Noong 2009, napansin ng paranormal researcher na si Fiona Broom na marami ang naniniwalang namatay si Mandela sa kulungan noong dekada '80, kahit ang totoo ay pinalaya siya noong 1990 at namatay noong 2013.
Nitong Linggo, Hulyo 19, ibinahagi ni Susan sa kaniyang Facebook post na may isang netizen na nakapaghanap ng lumang video clip kung saan umuubo siya sa eksena. Ang nabanggit na serye ay ang iconic soap operang "Mara Clara" na unang pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes.
Ipinaliwanag ni Susan na sa dami ng mga eksenang nagawa niya sa iba't ibang serye, nakalimutan na niya ang tungkol sa mga eksenang may sakit ang role niya kaya kinakailangang umubo.
Pero ipinagdiinan naman ng aktres na hindi naman sa lahat ng teleseryeng kinabilangan niya, umuubo ang karakter niya.
"Yes, we have a winner! Ms Sheena Rose Traifalgar, a 3rd year college student in Iloilo was the first to submit a video of a scene from Mara Clara where I was coughing," aniya.
"Thank you for refreshing my memory of a scene I did many decades ago which I've already forgotten, Sheena."
"I must admit I do not remember the scenes which our many contestants submitted. I have been blessed with four decades in this industry playing myriad roles, so I cannot remember all the details. But my sincerest thanks to all who joined this cough challenge. I appreciate your efforts in finding scenes from my past works. I hope you all had fun joining this amusing game.
"As for the Mandela Effect, I concede that although it might not be accurate at this point, I maintain that though I may cough occasionally in a few roles in the past, I do not cough in ALL of my teleseryes.," paliwanag niya.
Kasunod nito, nagpasalamat si Susan sa ABS-CBN dahil sa mga role na ibinigay sa kaniya sa mga ganitong serye. Recent nga, gumanap siyang doktora sa "Blood vs Duty" na pinagbidahan nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson.
"My deep appreciation goes to ABS-CBN for the many decades of multiple roles given to me in various teleseryes. And most especially to JRB and Tita Cory Vidanes, who most recently gifted me with a breakthrough role as Dra Teresa Reyes in 'Blood vs Duty.'"
"May you all have a blessed week filled with gratitude and kindness! And congratulations again to Ms Sheena!" aniya.
Samantala, nagpasalamat naman si Susan kay Sheena at sinabing ibahagi sa comment section ang kuhang video niya.
"Hi Sheena Rose Traifalgar kindly share your winning video here. Thank you!" saad ni Susan.
"Maraming salamat po ulit, ma'am Susan Africa, at sa lahat ng netizens na tumulong sa'kin para manotice ni ma'am Susan yung ipinost kong video sa comment section ng ABS-CBN News fb post," saad naman ng netizen.
Ang eksenang nakuhanan ng netizen na umuubo siya sa teleserye ay mula nga sa "Mara Clara."
Makikitang nakita ng netizen ang eksena sa panonood niya sa "Jeepney TV" ng ABS-CBN. Kasama ni Susan sa eksena ang child star na si Agatha Tapan, kung saan, makikitang tinulungan siya nito habang tila nawawala siya sa sarili at may hawak na manika.