Nakumpiska ng pulisya ang saku-sakong piniratang kopya ng CD/DVD sa isinagawang operasyon sa business district area sa Daraga, Albay, kahapon.
Ayon sa Daraga Municipal Police, Miyerkules ng gabi nang ikasa ang raid na pinangunahan ni Atty. Anselmo Madriano, chairman ng Optical Media Board (OMB), katulong ang Albay Police Provincial Office at Daraga Police.
Sinalakay ang puwesto ng mga nagbebenta ng piniratang kopya ng CD at DVD at nasamsam ang 101 sako nito na may kabuuang halaga na P14,140,000. (Fer Taboy)