BALITA
GCQ, nais pa rin ng Metro Manila mayors
Karamihan ng alkalde sa Metro Manila ay pabor pa rin sa pagpapanatili ng General Community Quarantine (GCQ) sa National Capital Region (NCR) kaugnay ng paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Ito ang inihayag ni Department of Interior and Local Government...
52 bgy. sa Baguio, nahawaan ng COVID-19
BAGUIO CITY – Iniulat kahapon ng City Health Service Office (CHSO) na nasa 52 sa 128 barangay sa lungsod ang nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ito ang kinumpirma ni Dr. Donnabel Tubera-Panes, hepe ng Infectious Disease cluster ng CHSO at sinabing nangyari...
P128M lotto jackpot, naiuwi ng taga-Valenzuela
Isang lone bettor na taga-Valenzuela City ang pinalad na makapag-uwi ng mahigit sa P128 milyong jackpot ng Grand Lotto 6/55 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules ng gabi. Sa isang advisory, inanunsiyo ng PCSO na matagumpay na nahulaan ng...
National budget, unahin bago agawan sa liderato
Hiniling ng Minority bloc sa Kamara na dapat munang tapusin at unahin ang budget deliberations alang-alang sa pagbangon ng ekonomiya at kabutihan ng mamamayan bago ang agawan sa liderato ng Kamara. Idinahilan ni Minority Leader Bienvenido Abante, hindi dapat “igapos” ang...
Anti-Hospital Deposit Law, iginiit ipatupad
Hiniling ng isang senador sa Department of Health (DOH), sa mga local government unit (LGU) at sa lahat ng ahensya ng pamahalaan ang mahigpit na pagpapatupad ng Strengthened Anti-Hospital Deposit Law. “Bakit natin itinataboy ang mga pasyenteng nasa hukay na ang isang paa?...
Pagtatayuan ng airport, mapanganib -- Phivolcs
Ibinunyag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na may nakita itong ilang indikasyon ng panganib sa pagpapatayuan ng Bulacan International Airport na pinondohan ng P736 bilyon. “The multi-billion airport project is sitting on soft ground and the...
Tagle, nakarekober sa COVID-19
Nakarekober na mula sa sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Cardinal Luis Antonio Tagle. Sa ulat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), mismong ang Pontificio Collegio Filippino (PFC) sa Roma, kung saan nanunuluyan si Tagle, ang nagkumpirma...
DTI: Malungkot na Pasko, asahan
Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na dapat nang asahan ng publiko ang mas malungkot at malayo sa nakagawiang pagdiriwang ng Pasko dahil sa banta ng coronavirus disease. Ikinatwiran ni DTI Secretary Ramon Lopez ang ipinaiiral pa ring health protocols. Kahit...
DENR, pinapa-contempt sa ‘white sand’ issue
Hiniling ng isang political party sa Korte Suprema na i-cite in contempt ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa pagtatambak ng mapanganib na dinurog na dolomite sa Manila Bay. “Dumping artificial ‘white sand’ to achieve an artificial...
Ex-Speaker Alvarez: Pagtugon sa pandemya, palpak
Kung si dating House Speaker Pantaleon Alvarez ng Davao del Norte ang paniniwalaan, isang malaking kabiguan ang pagtugon at pangangasiwa ng administrasyon sa COVID-19 pandemic. Sa kanyang local radio program sa Davao del Norte, sinabi ni Alvarez na mas nais niya na ang...