BALITA
4 lugar, Signal No. 2 na! 15 pang lalawigan, apektado sa bagyong 'Florita'
Itinaas na sa Signal No. 2 ang apat na lugar sa Northern Luzon at 15 pang lalawigan ang apektado sa bagyong 'Florita.' Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kabilang sa isailalim sa Signal No. 2 angeastern portion...
₱0.70, ipapatong sa presyo ng kada litro ng gasolina--Diesel, may dagdag na ₱2.60/liter sa Agosto 23
Magdadagdag na naman ng presyo ng produktong petrolyo sa Agosto 23, ayon sa pahayag ng mga kumpanya ng langis nitong Lunes. Saa abiso ng Shell, papatungan nila ng ₱0.70 ang presyo ng kada litro ng gasolina at ₱2.60 naman ang idadagdag sa kada litro ng diesel. Aabot...
Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, nakarekober na sa Covid-19
Nakarekober na sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles matapos mahawaan nitong Agosto 15. “Negativena,” paliwanag ni Cruz-Angeles sa kanyang official Facebook account. Dumalo na sa flag-raising ceremony nitong Lunes si Cruz-Angeles...
12 lugar sa N. Luzon, Signal No. 1 sa bagyong 'Florita'
Isinailalim na sa Signal No. 1 ang 12 lugar sa Northern Luzon dahil na rin sa bagyong 'Florita'l na inaasahang magpapaulan sa unang araw ng pasok sa paaralan ngayong Lunes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)....
4,580 estudyante sa Region 2, nakatanggap ng ayuda mula DSWD
TUGUEGARAO CITY, Cagayan -- May kabuuang 4,580 na mag-aaral sa Region 2 ang nakatanggap ng cash mula sa Educational Assistance ng Department of Social Welfare and Development. Sinabi ng DSWD RO2 na ang lalawigan ng Cagayan ay nakatanggap ng pinakamataas na bilang ng...
92% ng teaching, non-teaching staff ng DepEd, fully-vaxxed na laban sa COVID-19
Tiniyak ng Department of Education (DepEd) nitong Linggo na 92 porsiyento na ng kanilang teaching at non-teaching personnel ang fully vaccinated laban sa COVID-19. Ayon kay DepEd spokesperson Atty. Michael Poa, ang mga ito aniya ay yaong nakakumpleto na ng kanilang primary...
Magsasakang nilamon ng rumaragasang ilog, patay na nang marekober sa Benguet
BAKUN, Benguet – Makalipas ang apat na araw na paghahanap sa isang magsasaka na inanod ng rumaragasang ilog ay natagpuan na ang bangkay nito sa Bakun River, Likew Section, Barangay Sinacbat/Poblacion, Bakun, Benguet. Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management...
DSWD, DILG at LGU, magsasanib-puwersa sa educational assistance distribution
Nangako si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo nitong Linggo na magiging mas maayos na ang gagawin nilang pamamahagi ng educational assistance sa mga mahihirap na mga estudyante sa bansa sa mga darating na Sabado. Ayon kay Sec. Tulfo,...
ABS-CBN, target na rin ang Hollywood
Lalo lang pinapalawak ng dambuhalang content creator ang kanilang network sa napipintong pagbubukas ng tanggapan ng ABS-CBN International sa Los Angeles, California. Ito ang inispluk ng Cinema Sala sa isang Instagram post, Sabado na siya ring ibinahagi ni Megastar Sharon...
Mga estudyanteng nabigyan ng ayuda ng DSWD, umabot sa 48K; ₱141M ang nagugol---Tulfo
Nagbigay ng update si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo hinggil sa unang araw ng pamamahagi ng cash assistance o ayudang pinansyal sa deserving na estudyanteng nangangailangan nitong Sabado, Agosto 20. Nagsimula ang pamamahagi ng...