BALITA
Binoga habang karga si baby
Isang ginang ang walang awang pinaslang ng hindi nakilalang suspek habang karga ang kanyang tatlong-buwang anak na lalaki sa loob ng kanilang bahay sa San Miguel, Maynila, nitong Linggo. Isang tagusang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni Ryan Joy Cinco, 33, tubong...
Fetus sa shoebox, iniwan sa karinderya
Isang lalaking fetus ang natagpuang nakasilid sa kahon at iniwan sa ilalim ng mesa sa harap ng isang karinderya sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw. Inilarawan ni Supt. Santiago Pascual III, hepe ng Manila Police District (MPD)-Station 3, ang fetus na wala pang...
2 preso namatay sa selda
Dalawang preso ang nasawi matapos na hindi makayanan ang labis na init sa masikip na bilangguan sa Maynila, nabatid kahapon. Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), unang nasawi si Alvin Pura, 41, residente ng...
12-anyos tiklo sa pananaksak
Arestado ang isang 12-anyos na lalaking out-of-school youth (OSY) matapos niya umanong saksakin ang isang 15-anyos na lalaking kapwa niya OSY habang naglalakad ito kasama ang nobya at mga kaibigan malapit sa isang paaralan sa Tondo, Maynila, nitong Linggo. Nasa kostudiya na...
Brownout sa Ecija, Aurora bukas
CABANATUAN CITY - Makararanas ng hanggang 11 oras na brownout ang ilang bahagi ng Nueva Ecija at Aurora bukas, Miyerkules, Pebrero 8, 2017. Sinabi ni National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) Central Luzon Corporate & Public Affairs Officer Ernest Lorenz Vidal na...
Nahulog sa barko, nalunod
SARIAYA, Quezon – Namatay ang isang empleyado na nalunod matapos na mahulog mula sa barkong nakadaong sa Tayabas Bay sa Barangay Talaan sa Sariaya, Quezon, nitong Linggo ng umaga. Kinilala ng pulisya ang nasawing si Gen Ren Li Lampa II, 23, binata, empleyado ng World...
Sunog uli sa Cavite EPZA
ROSARIO, Cavite – Isa pang pabrika sa Cavite Export Processing Zone Authority (EPZA) ang nasunog kahapon ng madaling araw. Batay sa ulat ng Cavite Bureau of Fire Protection (BFP)-Central Fire Station at Rosario Fire Station, nasunog ang machine room ng Academy Plastic...
Mawawalan ng trabaho sa minahan, aayudahan ng DoLE
Nagsasagawa ng monitoring ang Department of Labor and Employment (DoLE) sa inaasahang malawakang kawalan ng trabaho kasunod ng nakatakdang pagsasara sa 23 minahan. Sinabi ni DoLE-Bureau of Local Employment (BLE) Director Dominique Tutay na makikipag-ugnayan sila sa...
Korean mafia sa Cebu, kinumpirma ng PDEA
CEBU CITY – Kinumpirma ng isang opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 7 ang inihayag ni Pangulong Duterte nitong Sabado na isang Korean mafia ang kumikilos sa bentahan ng ilegal na droga at nag-o-operate pa ng prostitution ring sa Cebu. Sinabi kahapon...
Rebelde todas sa sagupaan
CAMP G. NAKAR, Lucena City – Isang miyembro ng front guerrilla ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa pakikipagsagupaan ng militar sa nasa 20 rebelde sa Sitio Kalibunlibunan, Barangay Pinagturilan sa Sta. Cruz, Occidental Mindoro, nitong Linggo ng hapon. Batay sa ulat...