BALITA
'Tuition free' sa college, tinatarget
Libre ngunit de-kalidad na pag-aaral sa kolehiyo. Ito ang tinatarget ngayon para sa mga karapat-dapat na estudyante upang matiyak na sila’y makapagtatapos ng pag-aaral kahit sila’y mula sa mahirap na bansa. Lumusot na kamakailan sa House Committee on Higher and Technical...
Pagtatalaga sa halip na botohan? No!— De Lima
Binatikos ni Sen. Leila de Lima ang plano ng administrasyong Duterte na bakantehin ang lahat ng posisyon sa barangay. Ayon kay De Lima, ang barangay, bilang isang basic political unit ng bansa, ang nagsisilbing frontliner sa paghahatid ng mahahalagang serbisyo sa mamamayan. ...
OIC sa barangay kumplikado — DILG chief
Pinaplantsa na ni Interior and Local Government Secretary Ismael “Mike” Sueno ang pakikipagpulong sa mga lider ng Kongreso upang talakayin ang mungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa halip na magdaos ng barangay elections sa Oktubre ngayong taon, magtalaga na lamang...
Pangasinan mayor inabsuwelto sa graft
Pinawalang-sala ng Sandiganbayan First Division si Anda, Pangasinan Mayor Aldrin Caido Cerdan sa kasong graft kaugnay ng maanomalyang pagrenta ng heavy equipment noong 2012. Una siyang kinasuhan ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act matapos...
Bagong ceasefire vs NPA, ikokonsulta muna
Sinabi ni Pangulong Duterte kahapon na kinakailangan muna niyang kumonsulta bago umaksiyon sa unilateral ceasefire na napaulat na ilalabas ng Communist Party of the Philippines (CPP) bago matapos ang buwan. Ayon kay Duterte, hindi niya mapagdedesisyunan nang mag-isa ang mga...
Dinadapuan ng TB, kakaunti na lang
Target ng Department of Health (DoH) na maging “rare disease” na ang tuberculosis (TB) pagsapit ng 2022. Ang pahayag ay ginawa ni Health Secretary Jean Paulyn Ubial sa programa para sa pagdiriwang ng World TB Day nitong Biyernes ng hapon, na may temang “Sama-samang...
Bangkay nakabitin sa poste
Nakabigti sa poste ng kuryente at wala nang buhay nang matagpuan ang isang barker sa bakod ng Philippine Sports Commission sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si Beltom Cordero, 29, ng 1930 Leveriza Street, Pasay City. Batay sa ulat ni PO2...
'Holdaper' tigok sa shootout
Isang pinaghihinalaang holdaper na dati umanong miyembro ng vigilante group ang napatay matapos umanong manlaban sa anti-criminality operation sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napatay na suspek na si Santi Ramirez, 39, dati umanong miyembro ng Confederate...
Parak namatay sa init ng panahon
Nagsisimula pa lamang ang panahon ng tag-init ngunit nakababahala na ang epekto nito. Nasawi ang isang pulis makaraang makaranas ng paninikip ng dibdib dulot ng init ng panahon sa Ermita, Maynila kahapon. Hindi na umabot nang buhay sa Manila Medical Center si PO3 Leo...
Kelot 'tumalon' sa mall, dedo
Patay ang isang lalaki matapos umanong tumalon mula sa ikaapat na palapag ng isang mall sa Cainta, Rizal habang sugatan naman ang isang dalagita nang aksidenteng mabagsakan ng una kamakalawa. Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng nasawing biktima na inilarawang nasa...