July 26, 2026

Home BALITA Probinsya

Imbes na umangat, bumaba pa! Angat Dam, nakapagtala ng historic low water level!

Imbes na umangat, bumaba pa! Angat Dam, nakapagtala ng historic low water level!
Photo courtesy: via MB


Muling nakapagtala ng isang new-all time low ang Angat Dam pagdating sa lebel ng tubig nito, matapos bumulusok sa 150.98 meters ang water level ng dam nitong 8:00 ng umaga ng Biyernes, Hulyo 24.

Batay sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRMO) ng lalawigan ng Bulacan, bahagyang mas mababa na ito sa Angat Dam water level na 151.45 meters noong Huwebes, Hulyo 23.

Malayo ang water level na ito sa operating level ng dam na umaabot sa 180 meters, at sa normal high water level ng reservoir na aabot naman sa 212 meters—mababa rin kung ikukumpara sa 160-meter critical mark.

Base pa sa paliwanag ng Department of Science and Technology - Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA), hindi sumasapat ang mga pag-ulang dulot ng mga nagdaang bagyo upang mapunan ang kakulangang tubig ng Angat Dam.

Ayon pa sa mga ulat, bago ang mga datos na ito, nauna nang naitala ang pinakamababang record ng water level ng Angat Dam noong taong 2010—na umabot sa 157.57 meters.

Probinsya

Number coding, hindi suspendido sa SONA—MMDA